Mga Nilalaman

11 September 2008

Haayss.. Super lapit na.. Isipin mo yun, 3 months and 17 days.. Kumusta naman.. Ang invitation, well, ayun, for production pa lang.. I guess mamimigay na nga lang kami muna ng Save the Date cards para naman hindi akalain ng mga tao na hindi na tuloy, dahil hanggang ngayon wala pa din silang natatanggap na invitation.. Sobrang dami pang kelangan i-polish.. Mga importante at di gaanong importanteng bagay..

Minsan tuloy naiisip ko, mas madali nga siguro ang civil wedding, hehe.. Hindi gaanong hassle.. Wala masyadong mga kelangang isipin.. Punta ka lang sa judge, tapos na! Haha..

Gaya nga ng napag-usapan din namin nung kinita namin si Kuya Arvin, actually, and seremonyas ay seremonyas lang, mas mahalaga ang "marriage", hindi ang "wedding".. Mas mahalaga ang magiging buhay pagkatapos ng kasal kesa sa sermonyas ng kasal mismo..

Madami kaming gustong mangyari syempre, maraming plans.. Pero madami din kasing limitations, mga realidad na kelangang i-consider.. Tulad ng pera, ng panahon, ng kung ano-ano pa..

September 11 na.. Gaya ng sinabi ko, 3 buwan at 17 araw nalang bago mag December 28.. Gaano ba katagal ang 3 buwan at 17 araw?.. Parang ang bilis lang kasi ng takbo ng oras ngayon eh..

Minsan, mas masarap isipin na tapos na, na December 29, 2008 na ngayon, o kaya na 2009 na ngayon.. Pero syempre, kapag ganun, hindi ko na sasabihin tong mga to.. Haha!

Haaaayssss....

0 Tibok:

UP Bonsai Garden

UP Bonsai Garden
Gabay sa pagpunta sa UP Bonsai Garden
Ang pag-ibig ay hindi nagwawakas. Kung mayroong paghahayag, ang mga ito ay lilipas. Kung may pagsasalita ng mga wika, sila ay titigil. Kung may kaalaman, ito ay lilipas. Ito ay sapagkat alam namin ang ilang bahagi, at naghahayag kami ng ilang bahagi. Ngunit kapag yaong ganap ay darating, ang ilang bahagi na iyon ay lilipas. Ngayon ang tatlong ito ay mananatili, ang pananampalataya, ang pag-asa at ang pag-ibig. Ngunit ang pinakadakila sa tatlong ito ay ang pag-ibig.
~1 Mga Taga-Corinto 13:8-10, 13

MGA KATUWANG