Paksa/ Tema: Tsinelas
Can two walk together unless they have agreed to meet? ~ Amos 3:3
Tagalog: Makalalakad baga ang dalawa na magkasama liban na sila'y magkasundo?
Tama nga naman di ba?.. Pano nga ba naman makalalakad ang dalawang tao kung yung isa eh papuntang kanan at yung isa naman papuntang kaliwa? Hind pwede yun! Kailangang sa bawat hakbang sila ay nagkakasundo. At iyon ang magiging susi ng isang magandang samahan.
Ang tsinelas ay hindi magiging tsinelas kung isang pares lamang. Bumalik sa akin ang isang kuwento kung paanong si Dr. Jose Rizal noong siya ay bata pa lamang ay inihagis sa ilog ang isang kapares ng kanyang tsinelas pagkatapos tangayin ang kapares nito. Ang dahilan, kung sakali man daw na may makakita ng tsinelas na tinangay ng agos, mabuti nang makita din niya ang kapares nito at magamit, kesa manatili sa kanya ang isang kapares ng wala naman ng kabuluhan.
Bakit tsinelas? Dahil nais naming sa panibagong buhay na aming tatahakin, kami'y patuloy na ma-remind ng mga magagandang aral ng isang tsinelas. Ang paghakbang ng magkasama. Ang pagiging isa, bagama't kami'y dalawa: Bagama't ang tsinelas ay isang kanan at isang kaliwa, magkasama nilang sinusuong ang landasin ng nagdadala sa kanila. Tulad ng mga tsinelas na ito, kami ay magkaibang nilalang -- magkaiba ang personalidad, magkaiba ng mga karanasan, may iba-ibang hilig, iba-ibang pananaw, magkaibang pisikal na katangian -- ngunit sa Panginoon, kami ay magiging isa, kami ay lalakad, kami ay tutungo sa landasing naisin Niya.

0 Tibok:
Post a Comment