Mga Nilalaman

Tunay na Ligaya




'Di ko pansin ang kislap ng bituin
'Pag kapiling ka, sinta
Kahit liwanag ng buwan sa gabi
'Di ko na masisita
Iisa lang ang naghaharing tala sa mundo
Tanging ikaw ang liwanag sa buhay ko...

'Di ko pansin ang bango ng Jasmin
'Pag kapiling ka, sinta
Kahit ga-dagat ang dami ng rosas hindi matataranta
Iisa lang ang nagtataglay ng halimuyak
At ikaw nga, tanging ikaw, sinta

Ikaw ang tunay na ligaya
Tanging ikaw, sinta
Umaga, hapon kahit magdamag
Laging ikaw, sinta
Hindi magsasawa sa piling mo
(Hooh...)

'Di ko pansin ang bawat sandali
'Pag kapiling ka, sinta
Bagyo't ulan, kidlat o kulog man
'Di ko napapansin, sinta
Iisa lamang ang hinihiling kong kasagutan
Ang ngayon at kailanma'y makapiling ka

(Ikaw ang tunay na ligaya)
(Tanging ikaw, sinta)
Tanging ikaw...
(Umaga, hapon, kahit magdamag)
(Laging ikaw, sinta)
Hindi magsasawa sa piling mo
(Ikaw ang tunay na ligaya)
(Tanging ikaw, sinta)
Tanging ikaw...
(Umaga, hapon, kahit magdamag)
(Laging ikaw, sinta)
Hindi magsasawa sa piling mo...

0 Tibok:

UP Bonsai Garden

UP Bonsai Garden
Gabay sa pagpunta sa UP Bonsai Garden
Ang pag-ibig ay hindi nagwawakas. Kung mayroong paghahayag, ang mga ito ay lilipas. Kung may pagsasalita ng mga wika, sila ay titigil. Kung may kaalaman, ito ay lilipas. Ito ay sapagkat alam namin ang ilang bahagi, at naghahayag kami ng ilang bahagi. Ngunit kapag yaong ganap ay darating, ang ilang bahagi na iyon ay lilipas. Ngayon ang tatlong ito ay mananatili, ang pananampalataya, ang pag-asa at ang pag-ibig. Ngunit ang pinakadakila sa tatlong ito ay ang pag-ibig.
~1 Mga Taga-Corinto 13:8-10, 13

MGA KATUWANG