Mga Nilalaman

Sana'y Wala Nang Wakas

Intro
Sana'y wala nang wakas
Kung pag-ibig ay wagas
Paglalambing sa 'yong piling
Ay ligaya kong walang kahambing


Refrain
Kung 'di malimot ng tadhana
Bigyang-tuldok ang ating ligaya
Walang hanggan ay hahamakin
Pagka't walang katapusan kitang iibigin


Chorus
Kahit na ilang tinik ay kaya kong tapakan
Kung 'yan ang paraan upang landas mo'y masundan
Kahit ilang ulit ako'y iyong saktan
Hindi kita maaaring iwanan

Kahit ilang awit ay aking aawitin
Hanggang ang himig ko'y maging himig mo na rin
Kahit ilang dagat ang dapat tawirin
Higit pa riyan ang aking gagawin


Sana'y wala ng wakas
Kapag hapdi ay lumipas
Ang mahalaga ngayon ay pag-asa
Dala ng pag-ibig, saksi buong daigdig


[repeat refrain]
[repeat chorus]


'di lamang pag-ibig ko
'di lamang ang buhay ko'y ibibigay
Sa ngalan ng pag-ibig mo
Higit pa riyan, aking mahal, ang alay ko

*Originally sung by Ms. Sharon Cuneta*

0 Tibok:

UP Bonsai Garden

UP Bonsai Garden
Gabay sa pagpunta sa UP Bonsai Garden
Ang pag-ibig ay hindi nagwawakas. Kung mayroong paghahayag, ang mga ito ay lilipas. Kung may pagsasalita ng mga wika, sila ay titigil. Kung may kaalaman, ito ay lilipas. Ito ay sapagkat alam namin ang ilang bahagi, at naghahayag kami ng ilang bahagi. Ngunit kapag yaong ganap ay darating, ang ilang bahagi na iyon ay lilipas. Ngayon ang tatlong ito ay mananatili, ang pananampalataya, ang pag-asa at ang pag-ibig. Ngunit ang pinakadakila sa tatlong ito ay ang pag-ibig.
~1 Mga Taga-Corinto 13:8-10, 13

MGA KATUWANG