Mga Nilalaman

A Much Needed Update

*Sighs*

Grabe, isang malalim na sigh talaga. Antagal ko nang di na-update to. Daming ginagawa. Although hindi wedding preps related. Mostly, work at other things. Hehe.

Anyway, ano na bang mga nagawa?

Flowers. Well, we already went to Dangwa. We decided to get Emma's Flowershop services for the flowers for the entire entourage. Umabot ng P5,000.00. Although mura na talaga siya, kasi it includes my bouquet, bridesmaids, groomsmen, parents, primary sponsors and flower girls. We need to make downpayment on the first week of December.

Food. Uhm, the food is still malabo until now. Because it would really be tedious for us to actually do the arranging of Bonsai Garden the night before (or very early morning, mga 1AM), we (together with Ninang Maq and Ninong Armin) decided to get a catering service. Problem is, wala pa kaming mahanap. We'll be needing their tables and chairs plus of course the decoration and the food. Although and food nga namin will just be coffee and hot chocolate over pandesal and kakanin. We talked to Ate Bee already kasi may mga contacts siya ng mga affordable catering services. Sana keri pa ng budget. Hehe. Kasi I have another expense, yung pamasahe ng family ko papunta dito sa Manila.

Pre-nup. This is really something to thank God for. Sobrang thankful kami for Kuya Chris and Ate Annelle. They did our pre-nup (for FREE) last Saturday and Sunday. Supposedly Saturday lang siya pero kinulang ng oras, because I was late (sorry), kaya na-extend hanggang Sunday morning. My make-up was done by Ate Mikay nung Saturday, while my Sunday make-up was made possible by Ate Annelle (grabe talaga ang serbisyo). Sobrang thank you po! Looking forward for the pics! Hehe.. Nakita ko na yung iba, at sobrang nakakaaliw, parang hindi kami. Haha! Can;t wait to see them! :)

House. Yes, nakalipat na ako ng house. Hindi kasi pumayag yung aking landlady sa Area 2 na mag-stay ako dun hanggang December lang. Alanganin daw kasi midsem yun; kung gusto kong magstay ng hanggang December lang, kelangan kong maghanap ng kapalit. So, instead na si Derf ang lilipat dun sa bagong house, ako nalang. Madami pang kelangang ayusin sa bahay *sighs*. Pero unti-unti, at least naaayos naman.

Hmm.. Yun lang muna. Wala na akong ibang maisip. Hehe. I'll update as soon as I can.

Happy preps!

0 Tibok:

UP Bonsai Garden

UP Bonsai Garden
Gabay sa pagpunta sa UP Bonsai Garden
Ang pag-ibig ay hindi nagwawakas. Kung mayroong paghahayag, ang mga ito ay lilipas. Kung may pagsasalita ng mga wika, sila ay titigil. Kung may kaalaman, ito ay lilipas. Ito ay sapagkat alam namin ang ilang bahagi, at naghahayag kami ng ilang bahagi. Ngunit kapag yaong ganap ay darating, ang ilang bahagi na iyon ay lilipas. Ngayon ang tatlong ito ay mananatili, ang pananampalataya, ang pag-asa at ang pag-ibig. Ngunit ang pinakadakila sa tatlong ito ay ang pag-ibig.
~1 Mga Taga-Corinto 13:8-10, 13

MGA KATUWANG